Need Guidance in Phil Stock Market and Be Blessed? Sign-up now!!!

GodWhispersClub.com52 Healing Habits Program of Bro Bo SanchezJoin the Truly Rich ClubJoin FamilyReborn.com

Share This!

Sunday, January 5, 2014

Sinong nag-tulak?


Sinong tulak?

Simula

May isang matandang mayaman na nagnanais ihanap ng mapapangasawa ang kanyang nag iisang anak na babae at upang maipamana na nya ang kanyang yaman bago sya mamatay.

Bagamat kinakabahan, desidido syang ihanap ng mapapangasawa ang kanyang anak kaya napagdesisyonan nyang maglunsad ng isang kompetisyon para sa mga kalalakihan na kung sinuman ang mananalo ay papipiliin ng isa sa mga sumusunod na gantimpala: 1 milyon pesos, 100 hektaryang lupa o pakakasalan ang kanyang nag iisang anak. Nagpagawa at nagpainprinta sya ng mga anunsyo at ipinakalat nya ito sa buong bayan.

Dumating ang araw ng kompetisyon. Maraming kalalakihan ang dumating upang sumali at lumahok sa kompetisyon. Meron matangkad, meron pandak, meron payat, merong mataba, merong gwapo at merong mas gwapo.

“Makinig ang lahat!” Sigaw ng matandang mayaman. “Ang sinuman makatatawid sa ilog na ito hangang makarating at makaahon sa kabila ay malayang makakapamili ng isa sa tatlong gantimpala” wika ng matanda.

Ang lahat ay masayang nagkukwentuhan, nagsisigawan at masiglang lumalakad habang papalapit sa gilid ng ilog upang magsipaghandang tumalon at tawirin ang nasabing ilog.

Itulak mo
Habang ang lahat ay abala sa paghahanda. “Sandali lang!”, pahabol na sigaw ng matanda. Bibigyan ko kayo ng babala na hindi basta-basta pangkaraniwang ilog ang inyong tatawirin. Maraming mababangis at delikadong mga hayop ang naninirahan sa ilog na ito kagaya ng buwaya, pirana, ahas at ibp. Kaya mag ingat ang bawat isa sa inyo.

Ang kasiglahan ng lahat ay biglang naglaho at napalitan ng katahimikan. Isa-isang nagsipag atrasan at nagkaroon ng pag-aalinlangan ang bawat kalahok. “Nakakaenganyo ang gantimpla”, wika ng isang kalahok. “pero mabuhay naman kaya tayo?”anas ng isa pang kalahok.

Habang ang lahat ay nakatayo sa gilid ng ilog at pinakikiramdaman ang bawat kilos ng isat isa. Nang may biglang tumalon, agaran lumangoy ang mga buwaya, pirana at ahas patungo sa kanyang direksyon. Kaya mabilis din syang lumangoy upang iligtas ang sarili.

Sigawan dito, sigawan doon ang mga taong nakakakita sa nangyayari. Merong sumigaw bilang pagsuporta, “Kaya mo yan! Dali! Bilisan mo”, at meron nangutya,”Sige pakamatay ka dyan, kakainin ka ng buwaya.”

Nagulantang at nabigla ang lahat nang magawa nyang makatawid at makaahon sa ilog ng maayos at ligtas. Dahil sa pangyayari, saglit na natigilan, tulala at di makapaniwalang nilapitan ng matanda ang lalaking tumanggap sa kanyang hamon. 

“Magaling. Pinahanga mo ako sa iyong katapangan”,wika ng matanda. “At bilang pabuya sayong katapangan maaari ka nang pumili sa mga gantimpala”. “Alin ang gusto mong gantimpala?” Tanong ng matanda. Tahimik at di nagsasalita ang lalaki habang naghahabol pa ng kanyang paghinga.

At dahil sabik na malaman agad ang kasagutan ng lalaki. Nagtanong ulit ang matanda, “Gusto mo ba nang 1 milyon pesos?” wika ng matanda. “Hindi po!”, tugon ng lalaki.

Ah. “Gusto mo ba nang 100 hektaryang lupa?’tanong ulit ng matanda. “Hindi rin po!”, sagot ng lalaki.

“Magaling! Sa wakas nakahanap na ako ng lalaking mapapangasawa ng aking anak”, bulong ng matanda sa kanyang sarili.

Kung gayun “Gusto mo bang mapangasawa ang aking anak?”, tanong ulit ng matanda. Nabigla ang lahat sa pasigaw na sagot ng lalaki. “Hindi rin po!”.

Nabigla at nakaramdam ng pagkainsulto. Pagalit na nagsalita ang matanda, ”Ayaw mo nang 1 milyon pesos gayundin ang 100 hektaryang lupa at ngayon tinatangihan mo rin ang alok kong pakasalan ang aking anak!?” Kung gayun, “Ano ba talaga ang gusto mo!?”. 

Habol hiningang nagsalita ang lalaki. “Gusto ko lang pong malaman kung sino tumulak sa akin sa ilog!”.

Wakas 

Sa halip na alamin natin ang dahilan kung bakit di nya tinangap yun gantimpala. Pagtuunan natin ng pansin yun tumulak at kung bakit nya hinahanap. Sa tingin nyo, sino kaya ang nagtulak sa lalaki? Bakit nya hinahanap?

Alam nyo ba kung bakit? Mas importante kasi dun sa lalaki na malaman nya kung sino ang tumulak (para pasalamatan o dili kaya’y awayin). Sa kabutihan palad, ang taong nagtulak ang dahilan kung bakit sya nagtagumpay at nagawa ang inaakalang imposibleng di nya magagawa.

Maraming kalahok ang nag iisip na imposibleng makatawid sila ng buhay sa ilog pero sa kabila ng maraming hadlang at pagsubok. Ang resulta, nagawa pa rin nyang makatawid ng maayos at ligtas. Bakit? Kasi nga, may nagtulak sa kanya, at dahil dun nalaman ng lahat na pwede at possible palang tawirin ang ilog. 

Kung walang nagtulak sa kanya di nya malalaman ang kakayahan at kapasidad nya. Di nya malalaman kung ano ang pwede nyang marating at ang ano pwede nyang magawa. Kung walang nagtulak sa kanya, hindi nya mapagtatagumpayan at malalampasan ang pagsubok sa kompetisyon. 

Sa totoong buhay, madalas may mga pangarap at bagay na inaakala natin imposibleng gawin o imposibleng maabot pero napagtatagumpayanan natin dahil may nagtutulak satin na ituloy at gawin pa rin kahit mahirap.

Halimbawa, inakala mong di mo kayang manalo sa isang paligsahan pero nanalo ka, kasi may nagtulak sayo na magsikap. Sinasabi mong di mo kayang tumigil sa paninigarilyo pero nagawa mong itigil kasi may nagtulak sayo. Nangako kang di ka na magsisinungaling pero ginawa mo pa rin kasi may nagtulak sayo. Pinanghinaan ka ng loob na di-uunlad ang iyong negosyo pero umunlad pa rin kasi may nagtulak sayo. Imposibleng makaipon dahil lubog ka sa utang pero nagawa mong makabayad at makaipon kasi may nagtulak sayo.

Lahat tayo nangangailangan o kailangan itulak para lang mailabas ang ating kakayahan, diskarte at talento. Mahalaga lang tandaan, alam at kilala natin kung sino ang magtutulak satin. Alamin din natin kung saan dereksyon nya tayo itutulak para mahubog ang ating buhay. 

Kung anuman ang kalagayan mo ngayon, malamang dahil yan sa taong hinayaan mong itulak ka. Maganda man o hindi ang resulta. Wag mo sila sisihin bagkus pasalamatan pa natin sila. Kung itinulak ka sa maling dereksyon. Suriin lang ang sarili at lugar kung san ka nahulog, naniniwala ako kayang kaya mong lampasan ang lahat ng pagsubok na kinakaharap mo ngayon. Dahil malamang sa hindi meron nang nakagawa at nakaahon ng maayos at ligtas sa kinahulogan mo. Kung nagawa nila, magagawa mo rin.



Related post



No comments:

Post a Comment

Need Guidance in Phil Stock Market and Be Blessed? Sign-up now!!!

GodWhispersClub.com52 Healing Habits Program of Bro Bo SanchezJoin the Truly Rich ClubJoin FamilyReborn.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...