Need Guidance in Phil Stock Market and Be Blessed? Sign-up now!!!

GodWhispersClub.com52 Healing Habits Program of Bro Bo SanchezJoin the Truly Rich ClubJoin FamilyReborn.com

Share This!

Sunday, January 5, 2014

Sinong nag-tulak?


Sinong tulak?

Simula

May isang matandang mayaman na nagnanais ihanap ng mapapangasawa ang kanyang nag iisang anak na babae at upang maipamana na nya ang kanyang yaman bago sya mamatay.

Bagamat kinakabahan, desidido syang ihanap ng mapapangasawa ang kanyang anak kaya napagdesisyonan nyang maglunsad ng isang kompetisyon para sa mga kalalakihan na kung sinuman ang mananalo ay papipiliin ng isa sa mga sumusunod na gantimpala: 1 milyon pesos, 100 hektaryang lupa o pakakasalan ang kanyang nag iisang anak. Nagpagawa at nagpainprinta sya ng mga anunsyo at ipinakalat nya ito sa buong bayan.

Dumating ang araw ng kompetisyon. Maraming kalalakihan ang dumating upang sumali at lumahok sa kompetisyon. Meron matangkad, meron pandak, meron payat, merong mataba, merong gwapo at merong mas gwapo.

“Makinig ang lahat!” Sigaw ng matandang mayaman. “Ang sinuman makatatawid sa ilog na ito hangang makarating at makaahon sa kabila ay malayang makakapamili ng isa sa tatlong gantimpala” wika ng matanda.

Ang lahat ay masayang nagkukwentuhan, nagsisigawan at masiglang lumalakad habang papalapit sa gilid ng ilog upang magsipaghandang tumalon at tawirin ang nasabing ilog.

Itulak mo
Habang ang lahat ay abala sa paghahanda. “Sandali lang!”, pahabol na sigaw ng matanda. Bibigyan ko kayo ng babala na hindi basta-basta pangkaraniwang ilog ang inyong tatawirin. Maraming mababangis at delikadong mga hayop ang naninirahan sa ilog na ito kagaya ng buwaya, pirana, ahas at ibp. Kaya mag ingat ang bawat isa sa inyo.




Tuesday, September 24, 2013

Kurot Principle


Maaring may nakabasa na nito pero ninais ko na rin ibahagi dito sa blog ko para makatulong at makapagbigay inspirasyon sa aking mga kababayan. Di ako ang sumulat nito. Kaya sa umakda, maraming maraming salamat sa'yo. 

Kurot Principle

Ano ‘yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I will tell you a story of a person na balak bumili ng cellphone worth P1,000. Nagkataong mayroon siyang P100,000 na savings. Puwede ba siyang bumili ng cellphone? Puwede, kasi yung P1,000, kurot lang ‘yon sa kanyang savings.

May pangalawang taong balak bumili ng cellphone. Ang bibilhin niya ay worth P1,000 din. Mayroon siyang savings sa bangko na P1,000. Bumili siya ng cellphone. Anong tawag dun? Dakot na ‘yun! Dinakot lahat ang pera niya! 

May pangatlong tao, balak bumili ng cellphone, pero walang savings. P1,000 lang naman ‘yung bibilhin niya. Bumili siya. Anong tawag ‘dun? Utang na ‘yun!  

Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? Kurot, dakot, o utang?

Kurot Principle
Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo naghihirap o baon sa utang? Ang gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating umutang! Gusto mong yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito, pangako, yayaman ka.

Pag-aralan nating muli ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy. Again, bakit sila mayayaman? Ang gagaling nilang… kumurot! Tayo ang gagaling nating… dumakot! Sasampolan kita…

Pinoy vs. Chinoy Businessman

May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo, isang Pinoy at isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay P100,000. Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin? Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan. So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone. Ang ganda!

Ituloy natin. After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na!



Need Guidance in Phil Stock Market and Be Blessed? Sign-up now!!!

GodWhispersClub.com52 Healing Habits Program of Bro Bo SanchezJoin the Truly Rich ClubJoin FamilyReborn.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...